Friday, September 18, 2009

"almost two weeks" notice

Ako ay nagbalik...hahahaha


Matagal-tagal din ako hindi nakapag-post dito. Muntik na umabot sa dalawang linggo. Pero sa loob ng maraming araw na yon, ano bang ginawa ko? Hmmm... Bukod sa busy-busyhan sa trabaho, nagbasa-basa rin ako ng blog ng ibang tao, gaya ng blog ni Jim Paredes, Jessica Zafra, ng aking kaibigan na si Chevy at RC at ng isang Spanish expat (?) na si Manolo Perez. Nakakalungkot lang dahil naka-block na ata dito sa office yung site ni Jim Paredes. Magaganda pa naman at masarap basahin ang mga post niya dun kahit na nabasa ko na sa The Philippine Star.
Pero ngayon naaliw ako sa official blog ni Jessica Zafra. Ang dami na kasi niyang post at followers. Nakakaaliw.=)
Sana kasing-galing niya ako magsulat at kasing-ganda ng blog niya yung akin.

**************


1 comment: